作詞 : Mara Torres/Vladimir Igman Lara Tarubal
作曲 : Benedict Sy
Ito ay liham para sa kulturang mahal ko
Sabi ko sa aking sarili
Di na muna iibig ng kahit sino
Ngunit ikaw ay nagpakilala
Pangangamba ko ay nawala na lang nang kusa
Bata pa lamang nang nagkakilala tayo
Nakita mo habang binubuyo nila ako
Ang dating mahiyain at kabado
Mham para sa kulturang mahal ko
ay gana nang humarap sa tao
Sigya ay sa'yo ko natagpuan
Sa pagkaligaw ikaw ang paraluman
Kaya naman walang pagaalinlangan
Sa inyong tahanan, ika'y niligawan
Bawat miyembro ng inyong pamilya
Hinarap at isa-isa kong kinilala
Mula sa mga kapatid na nakatatanda
Hanggang sa magulang na di nagpabaya
Di man tulad ng ibang sumusuyo sa'yo
Sila nang mas mayaman at mas gwapo
Ang iba nga'y may kotse at bahay na magarbo
Sapagkat pagmamahal lang ang kaya ko
Walang maibibigay na makamundo
Ang hiling ko pa rin sa dulo
Makuha ang iyong matamis na oo
Ano ba naman ang iyong sinasabi
Di ka sing yumi ng ibang babae
10. Kung umasta't pumorma parang lalaki
Kaya inaasar ka ng ating mga kaklase
Nais ko sana sabihing wala akong pake
Pag nakikita ka at sa upuan ay nakakatabi
Maski na makata nawawalan masasabi
Siguro ayaw ko lang namang magkamali
. Kitang kita ko pa rin 'yong tunay na ganda
Pati na ang ugali na mas mahalaga
Kung ba't mahal kita, wag magtaka
Sa habambuhay, ikaw ang nais makasama
Hanggang isang gabi ako'y sinorpresa mo
Sabi mo manood tayo ng teatro
Tuwang tuwa nagpakuha ng litrato
Pabulong mong sinabi opisyal na tayo
Sabi ko sa aking sarili
Di na muna iibig ng kahit sino
Ngunit ikaw ay nagpakilala
Pangangamba koy nawala na lang ng kusa
Sino ba naman ang magaakala
Bilis ng panahon isang dekada na pala
Mula noong tayong dalawa nagkakilala
Kung saan saan rin nakapag gala
Sa'king mga kinukuwento laging nakangiti
Kay suwerte ko at ako'y iyong napili
Salamat lakambini at nanatili
Kaya't sa puso ko, walang sinumang halili
. Asahan mong magiging iyong tapat na lingkod
Nakahandang saluhin sakaling ika'y matalisod
Sa'yo ay hindi magtataksil at tatalikod
Sa dami ng alaala malabong makalimot
Kaya't ngayong gabi ay nananalangin
Para wala nang makapagwalay sa atin
Saksi ang buwan at talang nagniningning
Lumuluhod sana malugod mong tanggapin
Handog kong pilak na singsing, sining